PBA teams makakapag-ensayo sa GCQ areas
Baham Mitra
Baham Mitra FB Page
PBA teams makakapag-ensayo sa GCQ areas
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Pero magpaalam muna sa PBA, Gab at LGU...

MANILA, Philippines — Maaaring mag-ensayo ang mga PBA teams sa lugar na nasa ilalim ng General Community Qua­rantine (GCQ).

Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial matapos konsultahin ang Games and Amusements Board.

Mismong si GAB chairman Baham Mitra ang nagpahayag na puwedeng mag-training ang mga PBA teams sa mga GCQ areas.

Kailangan lang aniyang makipag-ugnayan sa mga Local Government Units na siyang nagpapatupad ng health protocols sa kani-kanilang probinsiya.

Base sa Joint Administrative Order (JAO) na pi­nirmahan ng GAB, Department of Health (DOH) at Philippine Sports Commission (PSC) na nakalinya sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF), tanging sa GCQ areas lamang maaaring pahintulutang mag-ensayo ang mga PBA at PFL teams.

Noong Agosto 4, ipinatupad ang Modified Enhanced Community Qua­rantine (MECQ) sa buong Metro Manila kabilang ang karatig-bayan nito gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahilan para maudlot ang training restart ng PBA.

Ngunit may ibang opsyon ang PBA teams.

Ang magtungo sa mga GCQ  areas para maka­pag-ensayo.

Kabilang sa mga GCQ areas ang Batangas, Quezon at Subic na pinakamalapit sa Metro Manila.

Kailangan ding sundin ang health protocols na nakasaad sa JAO gayundin ang pagsunod sa hiwalay na panuntunang ipinatutupad ng lugar na kanilang pupuntahan.

Kung lalabag ang isang team sa JAO, hindi lamang ang PBA ang maaaring magpataw ng parusa dahil may sariling paraan ang GAB para bigyan ng parusa ang mga hindi susunod.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang koponan ang nagpahayag ng intensiyon na mag-sanay sa GCQ areas.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with