Lakers top seed sa Western Conference
Nailusot ni Lakers’ Anthony Davis ang kanyang tira laban kay Rudy Go­bert ng Jazz sa aksyong ito.
Lakers top seed sa Western Conference
(Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Tuluyan nang inangkin ng Los Angeles Lakers ang No. 1 seed sa Western Conference playoffs.

Ito ay matapos humataw si star forward Anthony Davis ng 42 points at 12 rebounds para pamunuan ang Lakers sa 116-108 pagpapabagsak sa Utah Jazz sa restart season kahapon dito.

Hawak ngayon ng Lakers (51-15) ang six-game lead laban sa second-placer Los Angeles Clippers at may natitira pang limang seeding games bago simulan ang una nilang playoff run simula noong 2013.

Nakamit na rin ng Jazz, (42-25) ang isang playoff berth at pang-lima sa Western Conference sa ilalim ng Houston Rockets kasunod ang Oklahoma City Thunder.

Ang four-point play ni Davis sa huling 42 segundo ng fourth period mula sa foul ni Jazz center Rudy Gobert ang nagbigay sa Lakers ng 114-104 abante.

Isa ring four-point play ang ginawa ni guard Donovan Mitchell para idikit ang Jazz sa 106-114 agwat sa nala­labing 36 segundo kasunod ang dalawang free throws ni Davis sa huling 5.2 segundo para selyuhan ang panalo ng Lakers.

Nagdagdag si LeBron James ng 22 points para sa Lakers.

Kumamada naman si Fred VanVleet ng career-high 36 points at nagsalpak ng pitong triples para pamunuan ang 107-103 panalo ng defending NBA champion Toronto Raptors kontra sa Miami Heat.

Tumipa si Michael Porter Jr. ng career-high 37 points at nagtala si Nikola Jokic ng triple-double para giya ang Denver Nuggets sa 121-113 overtime win kontra sa Thunder.

LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with