Walang usapan para sa Pacquiao-McGregor â Manny
Conor McGregor at Manny Pacquiao
STAR/File
Walang usapan para sa Pacquiao-McGregor – Manny
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

Sa ngayon...

MANILA, Philippines — Walang negosasyon para sa paghaharap nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) champion Conor McGregor.

Mismong si Pacquiao na ang nagkumpirma na walang gumugulong na usapan upang makaharap nito si McGregor sa isang mega fight na inaabangan ng lahat.

“Wala namang agreement or pag-uusap (para makalaban si McGregor),” anang reigning World Bo­xing Association (WBA) welterweight champion.

Nag-ugat ang lahat nang batiin ni Pacquiao ang mixed martial arts champion sa kanyang kaarawan noong Hulyo 14.

Nasundan ito ng isang tweet ni McGregor sa kanyang social media account ng “tinatanggap ko” na binigyang kulay ng marami.

Para sa mga boxing fans at analysts, tila isang tugon ito sa hamon ni Pacquiao na magharap ang dalawa sa ibabaw ng ring.

Subalit agad naman itong itinanggi ni Pacquiao.

Nakasentro ang atensiyon ng fighting senator sa tungkulin nito bilang mambabatas ng bansa at kung paano makatutulong sa kampanya ng pamahalaan para sugpuin ang coronavirus disease (COVID-19).

Wala pang anunsiyo ang kampo ni Pacquiao kung kailan ang title defense nito.

Sa pananahimik ni Pacquiao, kaliwa’t kanan na ang nagsulputang balita.

May inihayag si Top Rank Promotions chief Bob Arum na inaayos nito ang posibleng pagtutuos nina Pacquiao at World Bo­xing Organization (WBO) welterweight king Terence Crawford sa Nobyembre.

Subalit walang pormal na pahayag ang kampo ni Manny tungkol dito.

CONOR MCGREGOR MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with