^

PSN Palaro

Dahil sa MECQ... PBA tagilid na naman!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa MECQ... PBA tagilid na naman!
Iginiit ni Willie Marcial na suportado ng liga anuman ang maging hakbang ng gobyerno para sugpuin ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
PBA Images

MANILA, Philippines — Tagilid na naman ang Philippine Basketball Association (PBA) matapos ibalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong National Capital Region kasama ang ilang karatig probinsiya.

Walang magagawa si PBA commissioner Willie Marcial kundi sumunod sa patakarang ipinatutupad ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Iginiit ni Marcial na suportado ng liga anuman ang maging hakbang ng gobyerno para sugpuin ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Magsisimula ngayong araw ang MECQ na tatagal hanggang sa Agosto 18.

Dahil dito, pansamantalang ipinatigil ni Marcial ang swab testing sa linggong ito na posibleng ipagpatuloy na lamang sa Agosto 18 na inaasahang pagtatapos ng MECQ.

Ilang hakbang na lamang ang pinaplantsa ng PBA para tuluyang ma­kabalik sa ensayo ang 12 teams sa liga.

Pinayagan na mag-training ng Inter-Agency Task Force sa pamamagitan ng Joint Administrative Order na pinirmahan ng Games and Amusements Board, Department of Health at Philippine Sports Commission.

Subalit mauudlot na naman ito dahil sa ipatutupad na MECQ kung saan walang team training ang maaaring gawin.

“We just can’t practice yet. I will delay or reset the testing so by August 18 or 20 let’s see how we can work that out,”ani Marcial.

Hiniling ng mga medical health workers kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa ECQ ang ilang bahagi ng bansa matapos lumobo sa mahigit 100,000 libo ang tinamaan ng COVID-19.

Agad namang tumugon si Duterte sa panawagan.

“Kami naman sa PBA susunod lang kami. Kung sa tingin ng gobyerno na makakabuti ito. Susuportahan natin ang campaign ng pamahalaan para labanan itong COVID-19,” dagdag ni Marcial.

Target pa naman sana ng PBA na ipagpatuloy ang All-Filipino Cup sa Oktubre.

Magugunitang nahinto ang liga noong Marso dahil sa pandemya.

Maglalabas ng opisyal na desisyon ang PBA sa Setyembre kung itutuloy pa o hindi na ang naudlot na Season 45. Ibabase ng liga ang desisyon nito sa sitwasyon ng bansa.

Umaasa naman si GAB chairman Abraham Mitra na mas magiging maayos na ang sitwasyon upang makabalik sa mas maluwag na general community qua­rantine ang Metro Manila.

“With regards to the resumption of PBA, Chooks-to-Go 3x3, and PFL’s trai­nings, there will be a slight delay. But rest assured that the GAB will take advantage of the temporary halt to prepare our stakeholders in order to ensure the safe return of activities related to professional sports,” ani Mitra. 

vuukle comment

MECQ

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with