^

PSN Palaro

Bucks giba sa depensa ng Rockets

Pilipino Star Ngayon
Bucks giba sa depensa ng Rockets
Pinakitaan ng dakdak ni Rockets guard Russell Westbrook ang Bucks sa aksyong ito.

Celtics kinaldag ang Blazers

LAKE BUENA VISTA, Florida — Nagpasabog si guard Russell Westbrook ng 31 points at gumamit ang Houston Rockets ng matinding depensa sa final canto para kunin ang 120-116 panalo kontra sa Milwaukee Bucks sa NBA restart season kahapon dito.

Ito ang ika-36 sunod na laro kung saan umiskor si Westbrook ng higit sa 20 markers para sa Rockets, nakahugot kay James Harden ng 24 points.

Binanderahan naman ni forward Giannis Anteto­kounmpo ang Bucks sa kanyang 36 points, 18 rebounds at 8 assists at nakahanay kay Kareem Abdul-Jabbar bilang tanging players na nagtala ng higit sa 30 points, 15 rebounds at 5 assists sa 15 games sa isang season sa nakalipas na 50 taon.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 27 points at may 23 markers si Brook Lopez para sa Milwaukee na nabigong makopo ang best record sa Eastern Conference.

Kumamada naman si Jayson Tatum ng 34 points habang may 30 markers si Jaylen Brown sa 128-124 pagdaig ng Boston Celtics laban sa Portland Trail Blazers.

Pinamunuan nina guard Damian Lillard at Jusuf Nurkic ang Blazers sa kanilang tig-30 points.

Nagsalpak si DeMar DeRozan ng dalawang free throws sa natitirang segundo para iligtas ang San Antonio Spurs laban sa Memphis Grizzlies, 108-106, at makalapit sa ninth place sa Western Conference.

Humugot naman si Caris LeVert ng 14 sa kanyang 34 points sa huling pitong minuto para igiya ang Brooklyn Nets sa 118-110 paggupo sa Washington Wizards.

Kumolekta si Nikola Vucevic ng 23 points at 11 rebounds habang tumipa si Aaron Gordon ng 19 sa kanyang 22 points sa first half sa 132-116 paghataw ng Orlando Magic sa Sacramento Kings.

vuukle comment

BASKETBALL

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with