^

PSN Palaro

Marcial tututukan mismo ni Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Marcial tututukan mismo ni Pacquiao
Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Mismong si eight-di­vision world champion Manny Pacquiao ang ga­gabay sa boxing career ni three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial.

Nakabantay si Pacquiao sa lahat ng magiging galaw ni Marcial dahil nais nitong maging matagum­pay ang bagitong boxer sa larangang pinasok nito.

Kaakibat ni Marcial ang reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion sa pangarap nitong masungkit ang gintong medalya sa Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.

Ngunit nangako rin si Pacquiao na tutulungan nito si Marcial na maabot ang tugatog ng tagumpay at maging isang world champion sa boxing balang araw.

Hangad ni Pacquiao na masundan ni Marcial ang kanyang yapak.

Nakikita ni Pacquiao ang kanyang sarili kay Marcial na galing din sa hirap na nangangarap na maging matagumpay na boksingero sa mundo.

“Gusto ko talagang tulungan siya para sumunod sa yapak ko sa tulong ng ating Panginoon,” ani Pacquiao.

Handa si Pacquiao na ibahagi ang lahat ng nalalaman nito kay Marcial para maging ganap na boxing world champion.

Malaki ang tiwala ni Pacquiao sa kakayahan ni Marcial. May abilidad ito at lakas na tunay na katatakutan sa professional boxing.

Kailangan lang ng sipag, determinasyon at tapang na magiging sandata nito sa lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay.

vuukle comment

BOXING

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with