^

PSN Palaro

Donaire ayaw pakampante kay Oubaali

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maagang sisimulan ni four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang ensayo nito para sa kanyang world title fight kontra kay reig­ning World Boxing Council (WBC) bantamweight titlist Nordine Oubaali sa Dis­yembre 12 sa Mohegan Sun Casino sa Connecticut.

Sa Setyembre ang target date ng kampo ni Donaire para pormal na umpisahan ang training camp nito.

“By September siguro sisimulan na yung training. Medyo matagal pa ‘yung laban almost five months pa,” ani Dodong Donaire — ang ama ni Nonito na bahagi ng kanyang coaching staff.

Nais ni Dodong na makapagsimula ng maaga dahil ilang buwan ding nabakante ang Pinoy champion.

Hindi natuloy ang laban nito noong Abril na idaraos sana sa Las Vegas, Nevada dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa kabila ng pagkakaantala ng laban, bilib si Dodong sa kanyang anak dahil sumasalang pa rin ito sa magagaan na workout upang mapanatiling nasa kundisyon ang kanyang pangangatawan.

“Nag-eensayo pa rin siya kahit lockdown. A­ctually, bago mag-lockdown nung March, nagte-training na talaga siya sa California,” ani Dodong.

Desidido si Nonito na makabalik sa tuktok ma­ta­pos lumasap ng una­ni­mous decision loss kay International Boxing Federation (IBF)-World Boxing Association (WBA) bantamweight king Naoya Inoue noong Nobyembre.

At ang pagsagupa nito kay Oubaali ang isang magandang paraan upang magbalik ang ningning sa kanyang pangalan.

Hawak ni Oubaali ang WBC crown.

Galing ito sa unanimous decision win kay Japanese fighter Takuma Inoue noon ding Nobyembre sa Saitama, Japan.

Matikas ang rekord ni Oubaali tangan ang impresibong 17-0 marka.

Subalit ngayon pa lang, tiwala ang mga boxing analysts na makukuha ni Nonito ang panalo kontra kay Oubaali via knockout.

Ayaw naman magpakampante ng kampo ni Nonito dahil hindi birong kalaban ang isang world champion gaya ni Oubaali.

vuukle comment

WBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with