Valdez inspirasyon ng mga kabataan
Alyzza Valdez
STAR/ File
Valdez inspirasyon ng mga kabataan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ni volleyball star Alyssa Valdez na maibahagi ang talento nito sa mga bagitong manla­larong nangangarap na umangat sa volleyball sa mga darating na panahon.

Nakiisa si Valdez sa social media campaign na “nothing can stop what we can do together” na naglalayong bigyan ng ins­pirasyon ang mga kapwa atleta, mga kabataan at mga nangangarap na indibidwal.

At handa si Valdez na makatulong lalo na sa mga batang nais sundan ang kanyang yapak.

“Volleyball has given me the opportunity to share my journey and story to y­ounger generation and I hope i am able to ins­pire them to pursue their dreams in sports. Nothing can stop what we can do together,” ani Valdez sa kanyang post sa social media.

Isa si Valdez sa may pinaka-maningning na pa­ngalan sa mundo ng volleyball sa bansa.

Tatlong beses itong itinanghal na Most Valuable Player (MVP) noong nagla­laro pa ito para sa Ateneo de Manila University sa UAAP.

Makailang ulit din itong naging kampeon at MVP sa noo’y Shakey V-League.

Kasalukuyan itong team captain ng Creamline Cool Smashers sa Pemier Volleyball League (PVL).

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with