Blackwater kumambyo!
Dioceldo Sy
STAR/ File
Blackwater kumambyo!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2020 - 12:00am

Prangkisa ‘di na ibebenta

MANILA, Philippines — Tila nag-iba ang ihip nang hangin dahil nagpasya ang pamunuan ng Blackwater na hindi na nito ibebenta ang kanilang prangkisa sa Philippine Basketball Association (PBA).

Humupa na ang init sa dibdib ni team owner Dioceldo Sy na nauna nang nagbanta na ibebenta na lamang ang prangkisa nito matapos patawan ng multa ng PBA.

Inamin ni Sy na nadala lamang ito ng kanyang emosyon kaya’t tila pumutok na gaya ng isang bulkan ang kanyang sarili.

“Not at this point. It is just like a sudden eruption of emotions like Mayon Volcano. We are just a human being and nobody’s perfect. Only God is perfect,” ani Sy

Nais na lamang ni Sy na isentro ang atensiyon sa pangangalaga sa kanyang koponan na anim na taon na rin nitong kasama sa liga.

Hangad din ng Blackwater owner na maipagpatuloy ang magandang relasyon nito sa PBA.

Magugunitang nagdesisyon ang PBA na patawan ng parusa ang Blackwater nang matuklasan nitong nauna nang mag-ensayo ang Elite noong nakaraang linggo.

Nalaman ito ng buong sambayanan dahil sa pana­yam kay Sy sa isang sports program na ipinalabas sa telebisyon.

Malaking paglabag ito sa liga dahil wala pang inilalabas na go-signal ang PBA kung kailan maaaring simulan ang ensayo dahil sabay-sabay na magsisimulang mag-training ang lahat ng teams.

Nilinaw naman ni Sy na walang ensayong naganap. Tanging dalawang manlalaro lamang ang involve at simpleng shoot around lamang ang ginawa ng mga players.

Hindi kinagat ng PBA at tuluyan pa ring pinatawan ng parusa ang Elite.

Humingi na ng tawad ang pamunuan ng Blackwater sa PBA maging sa Games and Amusement Board.

Hanggang ngayon, hinihintay pa ng PBA ang go signal ng IATF kung kailan maaaring magsimula ang ensayo.

BLACKWATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with