Sagot ng Blackwater hihintayin ng PBA Board
Noong Martes ay nakausap na ni PBA Commissioner Willie Marcial si Sy para linawin sa Elite team owner ang mga sinabi nito nang komprontahin ng liga dahil sa paglabag sa health at safety protocol.
PBA Images
Sagot ng Blackwater hihintayin ng PBA Board
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bago matapos ang linggo ay inaasahang makukuha ng Philippine Basketball Association (PBA) ang sagot ni Blackwater team owner Dioceldo Sy kaugnay sa mga komento nito.

Noong Martes ay nakausap na ni PBA Commissioner Willie Marcial si Sy para linawin sa Elite team owner ang mga sinabi nito nang komprontahin ng liga dahil sa paglabag sa health at safety protocol.

Nagbigay si Marcial ng sulat kay Sy na naglalaman ng mga katanungan ng mga miyembro ng PBA Board of Governors.

“We’re hoping to get his response within this week,”ani Marcial sa magiging sagot ni Sy na kanya namang ipapasa sa PBA Board para magbaba ng desisyon.

Sa isang panayam sa programang ‘Sports Page’ ay ibinunyag ni Sy na nagkaroon ang Blackwater ni head coach Nash Racela ng isang teamwork bagama’t ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) ang pagdaraos ng mga team practices at scrimmages sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Dahil dito ay pinatawan ng PBA ang Elite team ng multang P100,000 at inutusan ang kanilang mga players at team staff na sumailalim sa COVID-19 swab testing bukod pa sa isang 10-day quarantine period.

Nagbanta si Sy na ibebenta ang kanyang prangkisa sa halagang P150 milyon.

Ayon kay Sy, nagkamali lamang siya ng pagbanggit sa salitang ‘team practice’ sa nasabing programa.

Bukod sa PBA ay iimbestigahan din ng Games and Amusements Board (GAB) ang ginawang paglabag ng koponan sa protocols.

Tinanggap na ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang apology ni Sy ngunit hindi tiniyak na mapapawalang sala ang Blackwater.

BLACKWATER PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with