Mcgregor hinamon si Pacquiao?
Sina UFC fighter Conor McGregor at Manny Pacquiao
Mcgregor hinamon si Pacquiao?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nabuhay ang dugo ng mga boxing fans matapos ‘hamunin’ ni Ultimate Fighting Championship (UFC) champion Conor McGregor si reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao.

Nagsimula ang lahat nang batiin ng Pinoy champion si McGregor sa kanyang ika-32 kaarawan noong Hulyo 14.

Nag-post si Pacquiao ng “Happy Birthday @TheNotoriousMMA (ang official account ni McGregor sa social media)” kasama ang emoticon na kamao.

Ngunit nagulantang  ang lahat nang sagutin ito ni McGregor ng “Thank you Emmanuel, 170” noong Hul­yo 16 na posibleng nagsusuhestiyon na magharap sa 170 pounds na weight class ang dalawang figh­ters.

Hindi malinaw kung ang posibleng suhestiyon ni McGregor ay laban sa boxing o mixed martial arts (MMA).

Hindi na bago si McGregor sa mundo ng bo­xing dahil nakaharap na nito si undefeated American pug Floyd Mayweather Jr. noong Agosto 26, 2017 sa T-Mobile Arena sa Paradise, Nevada.

Nagharap sina McGregor at Mayweather sa catch weight na super welterweight o 154 pounds.

Naitala ni Mayweather ang 10th-round technical knockout win sa naturang mega bout na umani ng limpak-limpak na kita mula sa gate receipts at pay-per-view buys.

Nauna nang napaulat ang posibilidad na paghaharap nina Pacquiao at McGregor.

Subalit malabo pa itong mangyari dahil sa kasalukuyang dinaranas ng buong mundo na dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nag-anunsiyo na rin ng retirement si McGregor noong Hunyo.

Hindi naman na bago sa lahat ang posibilidad ng pagbabalik-aksyon nito.

Sa kabilang banda, nakaabang lang ang Team Pacquiao sa mga susunod na pangyayari kung kailan babalik sa normal ang lahat para sa kanyang title defense. Tuloy lang sa pagpapakundisyon si Pacquiao upang mapanatiling nasa porma ang pa­ngangatawan nito sakaling maikasa na ang kanyang susunod na laban.

CONOR MCGREGOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with