^

PSN Palaro

Chooks-to-go puwedeng bilhin ang prangkisa ng Blackwater?

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chooks-to-go puwedeng bilhin ang prangkisa ng Blackwater?
Blackwater
PBA Images

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang tumingin sa malayo ng Philippine Basketball Association (PBA) kaugnay sa bibili sa prangkisa ng Blackwater.

Ilang taon na ang nakakaraan ay nagparamdam ng interes ang Chooks-to-Go na maging miyembro ng pro league.

Ngunit pansamantala itong naglaho nang magdesisyon ang poultry company na magtayo ng sarili nilang 3x3 league noong 2017.

Ang pagbitaw ng Blackwater sa kanilang prangkisa sa PBA ang maaaring saluhin ng Bounty Agro Ventures Inc. na siyang parent company ng Chooks-to-Go.

Pero ayaw pa itong patulan ni Ronald Mascariñas, ang pangulo ng Bounty Agro Ventures Inc.

“As of now, our focus is to prepare our 3x3 national team for the Olympic Qualifying Tournament in Austria next year,” sabi ni Mascariñas.

Ang poultry company ang sumuporta sa Gilas Pi­lipinas national team mula noong 2016 hanggang 2018 at noong 2017 FIBA Asia Champions Cup na binanderahan nina Kiefer Ravena, Jeron Teng at import Isaiah Austin.

Sinabi ni Blackwater owner Dioceldo Sy na hindi na niya kayang itaguyod ang Elite team, pumasok sa PBA noong 2014 matapos bumili ng prangkisa na nagkakahalaga ng P120 milyon. Posibleng nagtatampo lamang si Sy matapos pagpaliwanagin ng PBA at ng Games and Amusements Board (GAB) dahil sa idinaos nitong team workout.

Ito ay malinaw na pag­labag sa inaprubahang health at safety protocols ng PBA.

Samantala, pinatawan ng PBA ng P100,000 multa ang Blackwater dahil sa ginawa nitong ensayo noong Sabado na itinuturing na paglabag sa patakarang ipinatutupad ng liga.

vuukle comment

BLACKWATER

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with