Mga atleta ang nabawasan sa ‘payroll scam’ ni Ignacio—Fernandez
MANILA, Philippines — Isang dating miyembro ng national basketball team si Philippine Sports Commission (PSC) Officer-in-Charge (OIC) Ramon Fernandez.
At hindi niya maiwasang magalit kay Paul Michael Padua Ignacio na nadiskubre ang ginagawang ‘payroll scam’.
“I was shocked, I was mad, I was happy that finally, again we discovered things like this, especially sa ginagawa niya ‘yung mga atleta ang nababawasan,” ani Fernandez.
Inaresto kamakalawa si Ignacio ng National Bureau of Investigation (NBI) at sasampahan ng mga kasong falsification of public documents at qualified theft.
Humigit-kumulang sa P14 milyon umano ang nakulimbat ni Ignacio sa kanyang modus sa loob ng sports agency.
Si Ignacio, hindi regular na empleyado ng PSC, ang naglilista sa pangalan ng mga athletes at coaches na hindi na dapat kasama sa payroll at ipinapasok sa kanyang sariling bank account.
Naniniwala si Fernandez na may kasabwat si Ignacio kaya niya ito nagagawa.
- Latest