Manny Pacquiao
STAR/File
Legacy ni Pacquiao mas maningning
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2020 - 12:00am

Kumpara kay Mayweather

MANILA, Philippines — Hindi mapapantayan ng limpak-limpak na salapi ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. ang maningning na legasiya ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa mundo ng boksing.

Ito ang pananaw ni bo­xing legend Buddy McGirt na lubos ang paghanga sa Pinoy champion kum­para kay Mayweather na walang ibang ginawa kundi ang ipagyabang ang kanyang kayamanan.

Ayon kay McGirt, hindi biro ang ginawang tagumpay ni Pacquiao na nagkampeon sa walong magkakaibang dibisyon.

“I’d say the eight-division champion because it’s something you will always be remembered for,” ani McGirt.

Iba pa rin ang kayamanang hindi mawawala gaya ng hawak ni Pacquiao.

Wala nang makakabura ng kanyang pangalan sa boxing world bilang isa sa Greatest Boxer of All Time na tunay na dadalhin nito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

“You still got a lot of money. You don’t have a billion dollars (like Floyd Mayweather), but you got something your kids and grandkids could remember. It’s a legacy, something that lives on forever,” ani McGirt.

Aminado si McGirt na mahusay rin si Mayweather.

Ngunit kung papipiliin kina Pacquiao at Mayweather, mas nanaisin ni McGirt na pumanig sa Pinoy champion na hinahangaan hindi lamang sa loob ng ring maging sa kanyang personal na pamumuhay.

FLOYD MAYWEATHER JR. MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with