Alex Cabagnot
Contributed Photo/Joaqui Flores
Extended!
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2020 - 12:00am

Mga PBA players na may expiring contracts

MANILA, Philippines — Hindi na dapat mangamba ang mga PBA players na may expiring contracts sa Agosto 31.

Inaprubahan ng PBA Board of Govenors ang pagpapalawig sa mga kontrata ng mga kagaya nina Arwind Santos at Alex Cabagnot ng San Miguel at Jeron Teng ng Alaska.

“Nagdesisyon ang (PBA) Governors na lahat ng pla­yers extended hanggang December 31. Option ng team kung hindi ka mapapapirma, free agent ka.

Kung mag-e-extend ‘yung ating liga kunwari January, hanggang February,” wika kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Bago pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) noong Marso na nagresulta sa pagkakasuspindi sa 45th Season ng PBA ay nakapirma na sina veterans Asi Taulava at Cyrus Baguio ng NLEX, Sonny Thoss ng Alaska, Peter June Simon ng Magnolia at Davon Potts ng Phoenix ng six-month contracts.

“Suwerte ng mga players kasi may PBA o wala, ang suweldo nila hanggang December 31 extended,” ani Marcial.

ALEX CABAGNOT PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with