Nikola Jokic
Jokic sasalang sa 2-day quarantine bago sumama sa ensayo ng Nuggets
(Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

ORLANDO, Florida -- Inaasahang kaagad makakasama si star center Nikola Jokic sa Denver Nuggets, nagpositibo sa novel coronavirus noong nakarang buwan, para sa restart season ng NBA rito sa Walt Disney World campus.

“Nikola Jokic will be in the bubble very, very soon,” wika ni Nuggets head coach Michael Malone sa report ng ESPN.

Nagpositibo si Jokic, miyembro ng First Team All-NBA noong nakaraang season, sa COVID-19 sa Serbia noong Hunyo na nagpaantala sa kanyang pagdating sa United States.

Sasailalim ang Serbian big man sa two-day quarantine sa pagdating niya sa “bubble” bago siya sumabak sa team activities.

Pangatlo ang Denver sa Western Conference sa bitbit na 43-22 record, sa ilalim ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

Samantala, kagaya ni LeBron James ay hindi rin maglalagay si Lakers’ forward Anthony Davis ng social justice message sa kanyang jersey.

Ayon sa ESPN, 285 sa 350 eligible players ay pumili ng isang social justice message na ilalagay sa likod ng kanilang jersey kagaya ng “Black Lives Matter.”

NBA NIKOLA JOKIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with