Ella Fajardo
Fajardo magpapasiklab sa NCAA Division 1
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi masisilayan si Filipino-American point guard Ella Fajardo sa UAAP dahil papasok ito sa NCAA Division I school Fairleigh Dickinson University sa Amerika.

Kinumpirma ni Fajardo ang kanyang desisyon sa kanyang social media account kung saan masaya ito sa kanyang napiling unibersidad na magsisilbing bagong tahanan nito.

Pangarap ni Fajardo na makapaglaro sa isang Division 1 tournament kaya’t malaki ang pasasalamat ng 5-foot-6 Pinay cager sa bagong oportunidad na kanyang tatahakin.

“I’m coming home to the next chapter of my academic and athletic journey at Fairleigh Dickinson University. It has been my dream to get a quality college education and be able to play at the Division 1 level,” ani Fajardo.

Dalawang beses nang naging bahagi ng national team si Fajardo — noong 2019 FIBA 3X3 Under-18 World Cup at Under-18 Asia Cup.

Umabot sa quarterfinals ang Pinay squad sa FIBA World Cup habang tanso naman ang nakuha ng tropa sa Asia Cup.

“My story has not been easy and I am working hard everyday to prove myself over and over and to earn every victory and success that come my way,” ani Fajardo.

Dahil sa husay ni Fajardo, ilang UAAP schools ang nag-aagawang makuha ang serbisyo nito.

Ilang sources ang nagsabing matagal nang nililigawan ng powerhouse National University si Fajardo para mas lalong palakasin ang solidong tropa nito.

Nagtala si Fajardo ng averages na 13.35 points, 2.85 assists, 2.5 rebounds at 1.42 steals kada laro sa kanyang pagsalang sa high school department suot ang jersey ng Gill St. Bernard’s.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with