NBA todo higpit sa Disney World
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigpit ang pagpapatupad ng patakaran ng NBA — mula sa testing hanggang sa pangangalaga sa mga kagamitan — bagay na magandang  halimbawang posibleng tularan ng mga koponan sa PBA na nakatakdang magbalik-ensayo sa mga susunod na araw.

Mayroong regular na COVID-19 testing habang nananatili sa loob ng Walt Disney World sa Orlando, Florida na magsisilbing quarantine environment o mas kilala sa tawag na “bubble” ng buong NBA teams.

Lalarga ang training camps hanggang sa Hulyo 29 habang magsisimula ang pagbabalik-aksiyon ng NBA sa Hulyo 30.

Tatakbo ang seeding games mula Hulyo 30 hanggang Agosto 14 habang  Agosto 17 ang simula ng playoffs. Setyembre 30 hanggang Oktubre 13 naman ang NBA Finals.

Mahaba-habang panahon na nakakulong sa bubble ang mga NBA teams.

Aminado ang mga equipment managers ng mga NBA teams na doble ang hirap na kanilang ginagawa ngayon kumpara noong panahong normal pa lahat.

Ngunit walang puwang ang pagod sa mga panahong ito masiguro lamang na malinis at ligtas partikular na sa posibleng kontaminasyon sa coronavirus.

Gaya ni Miami Heat equipment manager Rob Pimental na sinisigurong dala nito ang lahat ng kailangan ng kanilang tropa bago pumasok sa Walt Disney World.

“Pretty much everything. I’m the type of guy who wants everything on hand, so I literally packed up my entire equipment room and brought it with me,” ani Pimentel.

Lahat ng 22 koponan sa NBA ganito ang ginagawa.

Dala lahat ng kaila­ngang kagamitan dahil hindi maaaring lumabas sa loob ng quarantine environment ang sinumang manlalaro o opisyal upang maiwasan ang contact sa labas na posibleng may COVID-19.

Sanay naman na ang mga equipment managers.

Kailangan lang ng extra effort at pag-iingat para masiguro na nasa magandang kundisyon ang lahat.

Tinawag pa ang mga ito na “unsung heroes” dahil sa mabigat na gawaing ginagampanan nito.

 Naka-check in si Diamond sa two-room suite sa hotel — magandang pa­kinggan sa tenga na kung iisipin ay isang magarbong accommodation.

Subalit hindi. Kailangan ni Diamond ng isang ma­laking kuwarto na pagla­lagyan ng mga gamit ng kanilang buong koponan.

Sinisiguro ni Diamond na maibibigay niya anuman ang kailangan ng kanyang koponan.

“I made sure I overpacked for this rather than underpacked. It’s not so easy to have things sent here. I’d rather have things here, ready to go, so here we are,” ani Diamond.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with