^

PSN Palaro

UAAP, NCAA saan pupunta?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UAAP, NCAA saan pupunta?
Nangunguna na sa listahan ang University Athletic Association of the Philippines at National Collegiate Athletic Association na ilang dekada nang kasama ng Kapamilya channel.
STAR/FIle

MANILA, Philippines — Apektado ang ilang collegiate at commercial leagues sa kabiguan ng ABS-CBN na makakuha ng franchise renewal.

Nangunguna na sa listahan ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na ilang dekada nang kasama ng Kapamilya channel.

Kasama pa rito ang Premier Volleyball League (PVL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na na­ging bahagi na rin ng naturang giant network.

Kaya naman posibleng humanap muna ng bagong tahanan ang mga ligang ito upang maipaabot ang aksyon sa kani-kanilang mga fans.

Bigong makakuha ng sariwang prangkisa ang ABS-CBN matapos ang isinagawang botohan ng mga miyembro ng House of Representatives.

May 70 kongresista ang bumoto sa panukalang huwag nang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

May 11 naman ang pabor na makakuha ang network ng bagong prangkisa habang dalawa ang hindi lumahok sa botohan habang isa ang nag-abstain.

Malungkot ang mga sports personalities sa na­ging desisyon kabilang na sina dating Ateneo standout Gretchen Ho at three-time UAAP MVP Alyssa Valdez.

“Let us remember this day in history. Maraming salamat, Kapamilya. In the service of the Filipino, we remain,” ani Ho sa kanyang post sa social media.

Ibinahagi naman ni Valdez sa kanyang post ang kanyang saloobin.

“Unbelievable. Mara­ming salamat sa serbisyo. Hindi pa tapos ang laban,” ani Valdez.

vuukle comment

NCAA

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with