^

PSN Palaro

Twin towers sabay nag-training

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sabay na nagsanay ang tinaguriang twin towers ng Philippine basketball na sina dating UAAP Juniors MVP Kai Sotto at Filipino-American Sage Tolentino na parehong naghahanda sa kanya-kanyang liga.

Sa isang Instagram post, kitang magkasamang sumasalang sa matinding ensayo ang 7-foot-2 na si Sotto at 7-foot-0 na si Tolentino kasama ang ilang mahuhusay na basketball trainers.

Dati nang nagkasama sina Sotto at Tolentino sa The Skills Factory sa Atlanta.

Naghahanda si Sotto sa pagsabak nito sa NBA G League kaya’t puspusan ang ginagawang training ng Pinoy cager upang magkaroon ng engrandeng debut sa naturang liga.

Hinahasa ng husto si Sotto upang makasabay sa mas malalaki at mas matatandang karibal na makakasagupa nito sa G League.

Malaki na ang ipinagbago ni Sotto mula sa kanyang pangangatawan hanggang sa estilo ng kanyang paglalaro.

Kitang-kita ang bagsik na nagpapatunay na handa na ito sa matinding labang kanyang haharapin.

Sa kabilang banda, tinulungan ni Tolentino ang Maryknoll High School para makuha ang dala­wang sunod na kam­peo­nato sa kanilang liga sa Honolulu, Hawaii.

Nagtala si Tolentino ng 13.5 points, 8.3 rebounds at 3.5 blocks sa nakalipas na season ng liga.

Incoming Grade 11 si Tolentio sa Maryknoll.

Ngunit ngayon pa lang, nililigawan na ito ng iba’t ibang koponan sa NCAA.

Kabilang na rito ang University of Kentucky na kumakausap sa Fil-Am player.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with