^

PSN Palaro

Tuloy na tuloy na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

PBA practices

MANILA, Philippines — Masaya ang buong komunidad ng PBA dahil masisimulan na ang ensayo ng mga koponan matapos pulungin ng pamunuan ng liga ang mga coaches at managers para sa ilang guidelines na ipatutupad.

Sabik na ang lahat sa pagbabalik-aksyon dahil ilang buwan ding nabakante ang mga PBA players dahil sa ipinatutupad na community quarantine ng pamahalaan.

Ilalatag ng PBA ang matinding patakaran na nakalinya sa health protocols na isinasagawa ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVDI-19).

Personal na nakausap nina PBA commissioner Willie Marcial, deputy commissioner Eric Castro at legal counsel Atty. Melvin Mendoza ang mga coaches at managers para ipaliwanag ang guidelines.

Optimistiko ang pamunuan ng PBA na susunod ang lahat sa ipatutupad na patakaran dahil pangunahing pinangangalagaan ng liga ang kaligtasan ng mga players, coaches, personnels at officials na magtutungo sa training venue.

Sumang-ayon naman ang lahat ng coaches at managers sa ibinigay na guidelines ng PBA na ma­gandang paraan para mapanatili ang “safe environment.”

“Everything was logical and well laid-out. It will now be up to us coaches and players to strictly implement what was presented and prove we’re ready for the next step which is group practices,” wika ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone.

Kailangan munang suma­ilalim sa panibagong COVID-19 test ang mga koponan tatlong araw bago simulan ang ensayo upang masiguro na ligtas ang lahat.

Magiging regular na gawain na ang testing dahil kada 10 araw, kailangang muling dumaan sa test ang lahat ng koponan bilang pagbabantay sa kalusugan ng bawat isa.

Walang ibang dapat gawin ang mga players, coaches, officials at personnels kundi ang pagtungo sa training venue at pabalik sa bahay.

Sa pagsisimula ng ensayo, umaasa si NLEX Road Warriors head coach Yeng Guiao na ito na ang posibleng magsilbing magandang simula para sa susunod na hakbang - ang maituloy ang naantalang kumperensiya ng liga.

Para kay SMBeer mentor Leo Austria, kailangan ng tatlong Ds para tuluyan nang makabalik ang liga - discipline, determination at dedication.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with