^

PSN Palaro

Pacquiao No. 11 sa listahan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao No. 11 sa listahan
Sen. Manny Pacquiao

Sa 50 Greatest Boxers of All Time

MANILA, Philippines — Nasa ika-11 puwesto si eight-division world champion Manny Pacquiao sa listahan ng 50 Greatest Boxers of All Time na inilabas ng The Pugilist.

Nakapasok si Pacquiao dahil sa kanyang maningning na karera sa nakalipas na dalawang dekada kung saan walong titulo sa iba’t ibang dibisyon ang nasungkit nito.

Kasalukuyan pang hawak ni Pacquiao ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt at isa sa itinuturing na living legend sa mundo ng boxing.

Sa edad na 41-anyos, matikas pa rin ang Pinoy champion kung saan kitang-kita ang bagsik nito sa kanyang huling dalawang laban noong nakaraang taon kontra kina Adrien Broner at Keith Thurman.

Nakatakda pang depensahan ni Pacquiao ang kanyang korona sa oras na matapos na ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nasa unahan ng listahan si Sugar Ray Robinson na may impresibong 175 panalo, 19 talo at anim na draws tampok ang 106 knockouts.

May 18 world champions itong nakalaban sa kanyang buong karera bilang boksingero.

Hawak naman ni Muhammad Ali ang ikalawang puwesto kasunod sa ikatlo si Henry Armstrong, ikaapat si Harry Greb at ikalima si Joe Louis.

Pasok sa Top 10 sina No. 6 Willie Pep, No. 7 Sam Langford, No. 8 Jack Johnson, No. 9 Roberto Duran at No. 10 Sugar Ray Leonard.

Kapansin-pansin na nasa malayong No. 39 si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. na inaasahang maghihimutok na naman sa kanyang puwesto sa listahan.

Nasa No. 43 si Marco Antonio Barrera habang No. 46 si Erik Morales at No. 48 naman si Juan Manuel Marquez - ang mga Mexican fighters na nakalaban din ni Pacquiao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with