^

PSN Palaro

UE may recruit din

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli ang University of the East (UE) sa hugutan matapos kunin ang dalawang mahusay na manlalaro para palakasin ang Red Warriors sa UAAP men’s basketball wars.

Nag-commit na sa Red Warriors sina Orin Catacutan at Brian Enriquez na malaki ang maitutulong sa Recto-based squad sa kanilang kampanya sa liga.

Beterano na si Catacutan.

Sanay na ito sa kampeonato dahil bahagi ito ng St. Clare College na nagkampeon sa NAASCU.

Batak na batak na rin ang 6-foot-2 guard dahil nasilayan na ito sa aksyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) para sa Valenzuela, Muntinlupa at Sarangani.

Sa kanyang paglalaro bitbit ang jersey ng Marlins, mayroon itong averages na 17.0 points, 6.7 rebounds, 1.9 assists at 1.4 steals sa siyam na laro.

Isang season lamang masisilayan si Enriquez sa UAAP dahil nakapaglaro na ito para sa Division II school na William Woods University.

Lalarga ang 6-foot-3 na si Enriquez sa Season 83.

Nauna nang nakuha ng UE sina Josiah Alcantara at Kyle Paranada.

Hangad ng Red Warriors na makabalik sa Final Four matapos pumampito noong nakaraang taon tangan ang 4-10 baraha.

Kani-kanyang hugot ang mga UAAP teams partikular na ang De La Salle University na kaliwa’t kanan ang pagkuha sa mga blue chip players.

May mga recruits din ang University of Santo Tomas, Far Eastern University at University of the Philippines.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with