^

PSN Palaro

Boxing, horseracing pinayagan na rin- Gab

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Boxing, horseracing pinayagan na rin- Gab
Abraham Mitra
Baham Mitra Facebook

MANILA, Philippines  — Nakahinga ng maluwag ang mga boxers at horse racers matapos ihayag ng Games and Amusement Board (GAB) na pinahihintulutan na ang boxing at horseracing sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay GAB chairman Abraham Mitra, maaari nang magsagawa ng mga events ang bo­xing at horseracing ngunit kailangang magpatupad ng matinding health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Kabilang na rito ang testing sa lahat ng mga kasama sa event gayundin ang paniniguro na malinis ang gagamiting venue at mga kagamitan na isasailalim sa disinfection.

Papayagan lamang na magkaroon ng laban sa oras na lumabas na ang COVID-19 test sa mga boksingero, coaches at officials na kikilos sa event.

“Aprubado na rin po ang pagbiyahe ng ating mga boxers para makalaban sa abroad. Ipinaliwanag naman namin na tulad ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) kabuhayan ang nakataya sa ating mga boxers sa paglaban sa ring lalo na sa abroad,” ani Mitra sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na napanood via Zoom at livestreaming ng Sports on Air sa YouTube at Facebook.

Lubos ang pasasalamat ni Mitra sa Inter-Agency Task Force gayundin kina DILG Secretary E­duardo Año at DOLE chief Silvestre Bello sa pagbibigay ng go-signal.

Magandang balita ito para sa mga boksingero at horseracers na nawalan ng hanap-buhay sa loob ng mahigit tatlong buwan dahil sa pandemya.

“For more than three months, talagang kawawa ang ating mga boksingero. No fight, No pay ang mga ‘yan. Pareho namang ite-test ang magkalabang bo­xers  at papayagan lamang ang laban after lumabas ang resulta ng COVID-19 test,” ayon kay Mitra.

Sisimulan naman ang horseracing sa Hulyo 19 sa Manila Metro Turf.

Nilinaw naman ni Mitra na hindi pa pinapayagan ang inter-island boxing promotions o ang pagdayo ng mga boksingero sa iba’t ibang lugar.

Maaari lamang lumaban ang mga boksingero sa kani-kanilang siyudad dahil may sari-sariling ipinatutupad na patakaran ang iba’t ibang Local Go­vernment Units.

Nakatakda namang makipagpulong sa GAB at IATF ang iba pang liga gaya ng MPBL, Premier Volleyball League, Philippine Superliga, NCAA at UAAP para ta­lakayin ang kanilang estado.

Tanging ang mga liga na nasa hurisdiksiyon lamang ng GAB ang dinipensahan ni Mitra sa IATF.

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with