^

PSN Palaro

NBA 2k team Pilipinas suportado Ng PLDT At Smart

Pilipino Star Ngayon
NBA 2k team Pilipinas suportado Ng PLDT At Smart
Nasa larawan ang top executives ng PLDT at Smart sa pangunguna ni PLDT Chairman/CEO Manny V. Pangilinan (ikaapat sa kaliwa) kasama ang miyem- bro ng koponan na nanalo sa Indonesia

Laban Pilipinas, Lakad Matatag

MANILA, Philippines  — Pinuri ng PLDT at Smart ang mga miyembro ng NBA 2K Team Pilipinas sa matagumpay nilang pagsabak sa FIBA Esports Open 2020 kung saan tinalo ng koponan ang Indonesia, 5-0.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan nina PLDT Chairman at CEO Manny V. Pangilinan, Smart President at CEO Al S. Panlilio, Smart VP for Consumer Market Development Lloyd Manaloto at PlayBook CEO at NBA 2K Team Pilipinas Manager Richard Brojan kasama ang ilang manlalaro ng NBA 2K Team Pilipinas.

Ang FIBA Esports Open 2020 ang kauna-unahang international esports tournament na may basbas ng FIBA.

Naglaan ang PLDT ng fiber connectivity na ginamit ng Philippine team sa naturang kompetisyon.

“First of all, I am very proud of our team for winning all five games against Indonesia,” ani Panlilio, pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). “Also, it’s a collaboration between sports and technology. We are grateful to FIBA for allowing us to be a part of this historic event.”

Kagaya ng Gilas Pilipinas, ang NBA 2K Team Pilipinas ay nasa ilalim din ng SBP.

Pinasalamatan naman ni Brojan ang PLDT Fibr na nag-power sa kanilang studio sa Libis, Quezon City kung saan isinagawa ang pakikilahok ng mga manlalaro natin sa nasabing torneo.

Nagpasalamat din ang manlalaro sa mga esports fans, basketball fans, at sa lahat ng Pilipino sa suporta noong FIBA Esports Open at umaasa na patuloy silang makatatanggap ng suporta mula sa mga Pinoy sa darating pang mga torneo.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa www.smart.com.ph.

vuukle comment

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with