^

PSN Palaro

NBA restart delikado pa?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
NBA restart delikado pa?
Si LeBron James ng Lakers laban kay Stephen Curry ng Warriors.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nanganganib na hindi matuloy ang muling pagba­balik-aksyon ng NBA sa Hulyo 30 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Walang magagawa si NBA commissioner Adam Silver kundi ang muling pagkakansela ng liga upang matiyak ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials.

Nakatakdang umarangkada ang NBA sa Hulyo 30 tampok ang 22 koponang maglalaban-laban para sa 16 na slots sa playoffs kung saan sisimulan ang playoffs sa Agosto 17.

Idaraos ang mga laro sa ESPN Sports Complex sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Dito rin mananatili ang lahat ng mga players, coaches at officials sa itinuturing ng liga na isang quarantine environment.

Ilang koponan na ang nasa Florida ngayon upang doon magsanay at sumailalim sa ilang test at quarantine protocols bago sumalang sa mga laro.

“Certainly, if we had any sort of a significant spread at all within our campus, we would be shut down again,” ani Silver sa video conference ng Brainstorm Health ng Fortune.

Nangangamba si Silver na sakaling may makalusot na isang player, coach o opisyal man lang sa quarantine environment, posibleng kumalat na ang virus.

“It would be concerning if once (the players) sit through our quarantine period, and then were to test positive, we would know that, in essence, there’s a hole in our bubble,” ani Silver.

Una nang nakansela ang NBA noong Marso 11 matapos magpositibo sa COVID-19 si Utah Jazz center Rudy Gobert.

Matapos ang insidente ni Gobert, ilang manlalaro pa ang tinamaan ng virus ngunit gumaling ang iba habang nagpapagaling pa ang ibang nahawaan ng virus.

Bantay-sarado ang quarantine area ng NBA para masiguro na walang sinumang infected ang makakapasok sa pasilidad.

Nangangamba si Silver dahil tuloy ang pagdami ng mga kaso ng coronavirus sa Florida.

Kailangang magpatupad ng mahigpit na patakaran at masusing pagsunod sa mga protocols para makaiwas sa mapanganib na virus.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with