^

PSN Palaro

Boxing practices papayagan na?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Boxing practices papayagan na?
Ngunit nilinaw ng Department of Health (DOH) na tanging ang mga boksingero lamang na nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang maaaring pahintulutan.
STAR/File

Sa mgcq areas lang

MANILA, Philippines — Posibleng makapagsimula na ng ensayo ang mga boxers sa oras na maaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kahilingan nito.

Ngunit nilinaw ng Department of Health (DOH) na tanging ang mga boksingero lamang na nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang maaaring pahintulutan.

Kailangan din ng mga boxers, coaches at officials na sundin ang mga requirements ng IATF bago sumalang sa ensayo gaya ng coronavirus diseases (COVID-19) testing.

Ipatutupad din ang mahigpit na patakaran sa gagamiting training facilities tulad ng madalas na paglilinis sa mga equipment at pagsasailalim sa disinfection gaya ng ginagawa sa mga ospital.

Nakatakdang talakayin ang usapin sa boxing at iba pang sports sa susunod na pagpupulong ng IATF kasama ang DOH at iba pang sangay ng gobyerno partikular na ang GAB at Philippine Sports Commission.

Sinabi rin ni DOH Under­secretary Dr. Maria Rosario Vergeire na kaila­ngang mapasama ang boxing sa Joint Adminis­trative Order (JAO) na aprubado ng IATF bago mabigyan ng go signal ang ensayo ng mga boxers.

“Boxing included in a­reas under MGCQ, provided testing and quarantine protocols are followed and provided that it will be included in JAO. We need to include it in JAO,” ani Vergeire.

Tanging ensayo lamang ang papayagan. Wala pang boxing events o sparring ang maaaring ipatupad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Una nang pinahintulutan ng IATF ang Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football League (PFL) para magsagawa ng ensayo kung saan tanging ang mga koponan lamang sa naturang liga ang maaaring sumalang sa workouts.

Nilinaw ng IATF na hindi pinapayagan ang mga basketball practices sa ibang liga, eskwelahan o mga barangay courts.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with