^

PSN Palaro

Garcia bilib sa bilis ni Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Garcia bilib sa bilis ni Pacquiao
Manny Pacquiao
Manny Pacquiao FB Page

MANILA, Philippines — Walang duda na may kakaibang armas si eight-division world champion Manny Pacquiao na pa­ngunahing ginagamit nito sa kanyang mga mata­gumpay na laban.

Mismong si Mexican-American boxing trainer Roberto Garcia na maliban sa malalim na karanasan, may mga pamatay itong armas na dapat bantayan ng mga magtatangkang humarap sa kanya.

Una na rito ang bilis at bagsik ng kamao nito na kitang-kita sa kanyang mga nakalipas na laban.

Kahit sa simpleng gym workout nito, agad na mapapansin ang nag-aapoy na suntok ng reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion.

Kamakailan, ilang ulat ang naglabasan na nais ni American trainer Freddie Roach na makuha ni Pacquiao ang ikasiyam na titulo sa panibagong dibisyon.

Para maisakatuparan ito, kailangan ni Pacquiao na harapin si Gennady Golovkin na kasalukuyang nagmamay-ari ng International Boxing Federation (IBF) at International Bo­xing Organization (IBO) middleweight title.

Alam ni Garcia na ma­panganib ito para kay Pacquiao.

Subalit tiwala ang Me­xican-American sa kaka­yahan at abilidad ng Pinoy champion at kaya nitong makipagsabayan sa tulad ni Golovkin.

Hindi rin malayong ma­kuha ni Pacquiao ang knockout win dahil sa bilis ng kanyang kamao.

“His speed man. He’s very fast and does have r­eally good footwork and you know in and out or maybe he would try to exchange and make it into a brawl or try to knock out Triple G,” ani Garcia.

Sa ngayon, wala pa sa isip ni Pacquiao ang planong “ninth-division world champion” ni Roach.

Tuloy ang ensayo nito upang manatiling nasa porma ang kanyang katawan sakaling maikasa na ang susunod na laban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with