^

PSN Palaro

Yanong sasalang uli sa Las Vegas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ni Pinoy boxing sensation Reymond Yanong na masungkit ang ikalawang sunod na panalo kontra kay American fighter Genaro Gamez ngayong araw sa Las Vegas, Nevada.

Maghaharap sina Yanong at Gamez sa isang non-title, eight-round welterweight fight sa isang closed-door-event sa MGM Grand Convention Center.

Tumimbang si Yanong ng 141.8 pounds habang s­obra sa timbang si Gamez na may 146 pounds matapos ang official weight-in na ginanap kahapon.

Pakay ni Yanong na masundan ang kanyang split decision win kay American fighter Clay Burns sa kanilang six-round, non-title fight noong Hunyo 26 sa parehong venue.

Kasalukuyang hawak ni Yanong ang 11-5-1 rekord tampok ang siyam na knockouts.

Sa kabilang banda, may 9-1-0 marka ang San Diego, California native na si Gamez kung saan galing ito  sa unanimous decision loss kay Luis Feliciano noong Agosto 22, 2019.

Ito ang unang kabiguan ni Gamez.

Kaya naman gigil itong makabalik sa porma sa oras na makaharap nito si Yanong.

Mataas naman ang morale ni Yanong matapos makuha ang panalo kay Burns may dalawang linggo na ang nakalilipas.

vuukle comment

MGM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with