^

PSN Palaro

Watanabe may tsansa!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Watanabe may tsansa!
Si Kiyomi Watanabe (Asul) sa huling laban sa 2019 Manila SEA Games.
File

Sumikwat ng tiket sa Tokyo Olympics

MANILA, Philippines — Noong Marso ay nagkaroon si Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe ng elbow injury habang nasa training camp sa Japan.

Sinabi ni Philippine Judo Federation (PJF) president Dave Carter na magaling na ang nasabing injury ni Watanabe at kasalukuyan nang nagsasanay para sa tsansang makakuha ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Fortunately she’s fully healed. She can do weights training already and perform pull ups,” wika ni Carter sa 23-anyos na si Watanabe, apat na sunod na beses nagdomina sa women’s 63-kilogram division ng Southeast Asian Games.

Kumpiyansa si Carter na maibubulsa ni Watanabe ang pang-limang tiket sa 2021 Tokyo Olympics base na rin sa kanyang No. 21 world ranking.

“Posible siyang pumasok doon sa continental quota na tinatawag. We are waiting for the official announcement from the IF (International Federation). Si Kiyomi kapag ngayon nag-cut off pasok na siya eh,” ani Carter.

Ang top 18 judokas ang makakasama sa Olympic cut, ngunit kung makakansela ang mga qualifying tournaments ay inaasa­hang madaragdagan ang bilang ng mga qualifiers.

Bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay hindi nakapagdesisyon ang International Judo Federation (IJF) noong Abril 30 kung itutuloy ang dalawa o higit pang mga qualifications na nauna nang ipinagpaliban.

Nauna nang nakasikwat ng Olympic berth sina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

Maliban kay Watanabe, ang ina ay tubong Toledo City, Cebu at ang ama ay isang Japanese national, ang iba pang tumatarget ng Olympic slot ay sina Mariya Takahashi (women’s 70kg) at ang magkapatid na Shugen (men’s -66kg) at Kenzie Nakano (men’s 73kg).

vuukle comment

KIYOMI WATANABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with