^

PSN Palaro

PBA target simulan ang ensayo sa July 22

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA target simulan ang ensayo sa July 22
Willie Marcial
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Puntirya ng Philippine Basketball Association (PBA) na agad na masi­mulan ang ensayo ng mga koponan matapos itong makakuha ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

Target ni PBA commissioner Willie Marcial na maumpisahan ito sa Hulyo 22 o mas maaga para makabalik sa magandang kundisyon ang mga players na ilang buwan ding nabakante sa kani-kanilang tahanan dahil sa community quarantine na ipinatutupad ng gobyerno.

Ngunit bago ang lahat, kailangan munang pulu­ngin ni Marcial ang lahat ng team managers at coaches sa Hulyo 10 para naman ilatag ang magiging guidelines sa ensayo.

Matapos ang meeting, sunod na kakausapin ni Marcial ang governors ng liga sa susunod na linggo upang aprubahan ito.

“Target date pa lang yung (July 22). We are thankful and happy na pina­yagan tayo ng IATF and the government na makapag-practice na,” ani Marcial.

Taging conditioning at training lamang ang pinahihintulutan ng IATF.

Hindi maaaring magsagawa ng tuneup o anumang laro dahil itinutu­ring na contact sports ang basketball.

Ipatutupad din ang mahigpit na patakaran sa practice venue upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Tanging apat na manlalaro, isang trainer at isang safety officer lamang ang papayagan sa loob ng venue.

May temperature screening din sa bawat entrance kasama na ang tamang sanitation process.

Sasailalim din ang v­enue sa hospital-standard disinfection gayundin ang mga kagamitan gaya ng bola para matiyak na malinis ang lahat bago ito gamitin.

Babantayan din ang bawat miyembro ng koponan kung saan sasailalim sa test ang mga ito para masiguro na lahat ng manlalaro ay nasa magandang kundisyon.

Masaya ang mga PBA players sa tugon ng IATF sa kanilang kahilingan.

Sabik na ang lahat na muling makatikim ng aktuwal na ensayo hindi tulad ng mga pangkaraniwang workouts sa kani-kanilang ta­hanan.

vuukle comment

AITF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with