Jones Cup tuluyan nang kinansela
Mighty Sports
Twitter/Paolo del Rosario
Jones Cup tuluyan nang kinansela
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Hindi maipagtatanggol ng Mighty Sports ang korona nito sa William Jones Cup matapos kanselahin ng mga organizers ang torneo sa taong ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Pormal nang inihayag ng Chinese Taipei Basketball Association (CTBA) na hindi muna itatanghal ang natu­rang annual meet upang matiyak ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials.

Kinonsulta rin ng CTBA ang Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan na nagpapatupad ng mga patakaran para sugpuin ang COVID-19 sa kanilang bansa na katumbas ng Inter-Agency Task Force sa Pilipinas.

Sinabi ng CECC na kung nais ng CTBA na ituloy ang event, kailangang magsumite ang organizers ng negative results ng swab test ng lahat ng manlalarong lalahok sa torneo.

Kailangan ding magtalaga ang organizers ng isang hotel kung saan sasailalim sa five-day quarantine period ang mga players.

Matapos ang torneo, kailangan din na muling sumailalim sa swab test ang mga manlalaro kasunod ang 14-day quarantine period bago bumalik sa kani-kanilang bansa.

Hindi kakayanin ng mga organizers ang ganito kala­king gastusin kaya’t minabuti na lamang na kanselahin ang 2020 edisyon ng Jones Cup.

Orihinal na nakatakda ang Jones Cup ng Hulyo 4 hanggang 19 na kalaunan ay inilipat sa Agosto.

Subalit tuluyan na itong kinansela dahil na rin sa may kamahalang requirements na hinihiling ng gobyerno ng Taiwan. Target sana ng Mighty Sports na masungkit ang ikatlong korona sa liga.

Noong nakaraang taon, winalis ng Mighty Sports ang lahat ng asignatura nito upang angkinin ang kampeonato.

Pinagharian din ng Mighty Sports ang Jones Cup noong 2016.

Sa kabuuan, may anim na titulo na ang Pilipinas sa Jones Cup - ang ikalawang winningest country sa liga sa likod ng Amerika na may 15 titles.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nakansela ang Jones Cup. Una na noong 1989 dahil sa pagkakasunog ng venue na gagamitin sa event kasunod noong 2003 dahil sa SARS outbreak.

COVID19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with