^

PSN Palaro

Atletang sundalo, frontliners na rin

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Ang Philippine Army Gym ay kampo ng mga mahuhusay at magigiting na atletang sundalo ng Special Service Center sa Army. Dito matatagpuan ang pasilidad nila sa sports at mga atletang sundalo na pambato hindi lamang sa AFP Olympics kundi maging sa mga prestihiyosong internasyunal na kompetisyon tulad ng Olympics at SEA Games sapagkat marami rito ay miyembro ng National Team.

Mula noong 2015 nang maging guest player ako ng Army sa Shakey’s V-League, hanggang ngayon ay welcome na welcome pa rin ako sa kanila.

Nagkaroon akong muli ng pagkakataong dumalaw sa SSC, ang itinuturing kong pangalawang lugar na mapagkakatiwalaan ko pagdating sa larangan ng pampalakasan. Sa aking pagdating, bumungad ang maraming civilian sa loob.

Ang Philippine Army Gym na dati ay nilalamanan ng manlalarong sundalo ay nagmistulang shelter ng Locally Stranded Individuals, iyung mga na-stranded pauwi ng kani-kanilang probinsiya. Sa kalagitnaan nang paghihirap matulog sa labas ng airport at nauulanan pa, agad silang na-pick-up ng SSC. Ayon kay Lieutenant Colonel Dexter Macasaet direktor ng SSC, unang na-convert ang Philippine Army Wellness Center bilang quarantine facility ng mga sundalong frontliners sa mga check point. Kabilang sa standard operating procedure na ma-quarantine muna ang mga sundalong naka-assign sa mga check point bago sila bumalik sa duty. Ngayong tapos na ang operasyong ito, sila naman ang kumupkop sa mga LSI.

Dati na akong pinabilib ng mga atletang sundalo dahil sa husay sa paglalaro ng kanilang mga disiplina ngunit mas pinahanga nila ako ngayon nang malaman ko na hindi lang sila mga atletang sundalo kundi ay frontliners na rin.

Ang mga atletang sundalo tulad nina PFC Socorro Borja, PFC Jeannie De los Reyes at CPL Jovelyn Gonzaga ay nag-aasikaso ng tatlong daang LSI araw-araw. Sila ang nakatoka sa pag-facilitate rito, pag-asikaso sa mga kailangan tulad ng ticket booking, pagbili ng personal things at pagmomonitor na siguradong nagagampanan nila ang proper protocols na ipinatutupad sa loob ng SSC tulad ng social distancing, pagma-mask at pagsa-sanitize. “Araw-araw mayroon kaming ihahatid sa airport tapos magdisinfect kami ng area kasi may panibago na namang dumadating”, ani PFC De los Reyes halos araw-araw ding puyat dahil tuwing alas-2 ng madaling araw ang operation nila sa paghahatid at pagsundo ng mga LSI. Ayon naman kay CPL Gonzaga, hindi siya masyadong nakakaramdam ng pagod dahil nag-e-enjoy siya sa trabaho, “Ramdam na ramdam ko ‘yung pagi-ging sundalo ko ngayon at kahit mahirap ‘yung trabaho nawawala ‘yung pagod kasi grabe sila mag-appreciate sa amin.” Bahagi niya na maganda raw ang feed back sa kanila ng LSI dahil na-appreciate ng mga ito ang mahusay na performance na ipinamamalas nila sa trabaho.

Hindi maiiwasan ang depresyon sa gitna ng pandemikong ito kaya naman hindi rin nakaligtas ang SSC sa ilang mga LSI na nakaranas ng depression at stress. Ayon kay PFC Borja na nakatoka sa pag-iskedyul ng  flights ay ginagampanan na rin nila ang entertainment side. Araw-araw hinahandugan nila ng sayaw, may mga dinadala sa kuwelang kuwentuhan, kantahan at kung anu-anong mga pakulo para lang aliwin ang LSI. “Minsan kahit konti na lang oras mo para i-entertain sila, nawawala ‘yung pagod mo kasi dahil sa apppreciation nilang hindi mababayaran ninuman. Parati silang nagpapasalamat,” bahagi niya.

Napa-kainit nang pagtanggap ng SSC sa Philippine Army ng mga LSI sapagkat airconditioned at may free WIFI ang facilities. Bukod diyan, ipinaglalaba rin sila ng mga sundalo.

Mas lalong tumaas ang tingin ko sa mga atletang sundalo dahil sa commitments, sacrifices at dedikasyon nila na makapagsilbi sa bayan at mamamayang Filipino. Sa lahat po ng mga taga-SSC, mabuhay kayo! Saludo!

vuukle comment

OLYMPICS

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with