Mas mahirap magkampeon ngayon dahil sa COVID-19--Giannis
MILWAUKEE -- Naniniwala si Bucks star Giannis Antetokounmpo na mas mahirap makopo ang NBA crown ngayon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Habang naghahanda ang 22 teams para sa NBA restart season sa Orlando, Florida sa Hulyo 30 ay sinabi ng ilang kritiko na magkakaroon ng kuwestiyon sa magkakampeon.
Ngunit ayon naman kay Antetokounmpo, ang kinakaharap na COVID-19 pandemic ang lalo pang magpapahirap sa pag-angkin sa korona.
“I feel like, at the end of the day, this is goanna be the toughest championship you could ever win -- because the circumstances are really, really tough right now. So, whoever wants it more is going to be able to go out there and take it,” wika ng NBA MVP Antetokounmpo sa isang conference call.
Ilalagay ang 22 NBA teams na maglalaro sa restart season sa isang “bubble” sa Disney World hanggang matapos ang 2019-2020 season.
- Latest