_ngayon
^
Paalam Pacman!
Si Manny Pacquiao at ang asong si ‘Pacman’ sa kanyang training.

Paalam Pacman!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

Aso ni Pacquiao nasagasaan

MANILA, Philippines — Malalim ang pinagsamahan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at ng aso nitong si Pacman na kadalasang kasama nito sa kanyang training camp partikular na sa running sessions.

Kaya naman nalungkot si Pacquiao nang malamang namatay ito dahil sa hindi inaasahang aksidente.

Hindi sinasadyang nasagasaan si Pacman ng isang Mazda sedan na minamaneho ni David Sisson na malapit na kaibigan ni Pacquiao.

Nasa ilalim ng sasak­yan si Pacman nang masagasaan ito.

Agad namang dinala sa veterinary clinic si Pacman subalit hindi na ito maisasalba pa dahil sa tindi ng tinamong injury.

Tanggap naman ng pamilya Pacquiao ang nangyari kay Pacman na isang uri ng Jack Russell Terrier na breed ng aso.

Madalas nakikita si Pacman kasama ng Team Pacquiao sa mga running sessions nito.

Katuwang ito ng eight-division world champion sa oras na nagpapakundisyon ito para sa kanyang laban.

Galing si Pacman kay Buboy Fernandez - ang chief trainer ni Pacquiao.

Inilibing si Pacman sa bakuran ng tahanan ni Pacquiao sa General Santos City.

Wala nang masisila­yang Pacman sa running sessions ni Pacquiao sa kanyang mga susunod na laban.

Ngunit mananatili sa alaala ng Team Pacquiao si Pacman na hindi lamang minahal ng pamilya Pacquiao kundi ng mga sumusuporta sa Pinoy champion.

Wala pang desisyon ang Team Pacquiao kung sino ang sunod na makakalaban ng reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion.

PACMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with