Valdez paghahandaan ang Unity Cup
Pormang papalo si Alyssa Valdez
STAR/File
Valdez paghahandaan ang Unity Cup
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Excited na si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez sa iki­na­­kasang Unity Cup na magtatampok ng matitikas na koponan ng Premier Volleyball League (PVL) at Philippine Superliga (PSL).

Ayon kay Valdez, magandang pagkakataon ang pagsasa­nib-puwersa ng PVL at PSL para tuluyan nang mapag-isa ang volleyball community na minahal na ng maraming fans.

“Volleyball will benefit on that aspect. It’s really exciting kasi makita lang nila na nagkakalaban-laban kami, it was when we played in college in the UAAP. So I think it’s interesting also for the fans if mangyayari ’yun,” ani Valdez.

Kaya naman paghahandaan ito ni Valdez sa oras na maitakda na ang inaabangang banggaan ng top teams ng PVL at PSL.

“It will really help the community to improve kasi si­yempre, playing with other competitive teams, mas marami ka ring matututunan sa ibang teams,” dagdag ni Valdez.

Team captain si Valdez ng Creamline Cool S­mashers na kasalukuyang isa sa pinakamalakas na koponan sa PVL.

Kaya’t sabik na ang mga volleyball fans na makitang makaharap ng Cool Smashers ang matitikas na tropa sa PSL gaya ng Petron Blaze Spikers, F2 Logistics Cargo Movers, Cignal HD Spikers at Chery Tigo.

Plano ng PVL at PSL na idaos ang Unity Cup sa taong ito.

Sa katunayan, nasimulan na ang negosasyon para sa unang edisyon nito.

Subalit naudlot ang usapan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Tiwala ang PVL at PSL na matutuloy ito sa oras na matapos na ang krisis na kinakaharap ng buong mundo dahil sa COVID-19.

Target ng PVL at PSL na matupad ito sa 2021.

Paplantsahin na lamang ang magiging format ng torneo.

“We’re hoping we come to an agreement on the format,” wika ni PVL chief Ricky Palou.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with