Programa ng Gilas mas matututukan na ni Baldwin
Tab Baldwin
Programa ng Gilas mas matututukan na ni Baldwin
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ngayon ay mas matututukan na ni Tab Baldwin ang programa ng Gilas Pilipinas.

Bago pa man ang mga komento ni Baldwin, ang TNT Katropa assistant coach at consultant, sa single-import format ng PBA at sa taktika ng mga local coaches ay napagdesisyunan na ng management na alisin siya sa koponan.

“We would like to thank coach Tab and wish him well,” wika ni Tropang Texters team manager Gabby Cui sa American-New Zealander.

Noong Marso pa nagdesisyon ang management na tanggalin si Baldwin sa grupo nina head coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel kasabay ng pagpapatupad sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ang 62-anyos na si Baldwin ang program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at head coach ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Inihatid ni Baldwin ang Blue Eagles, pinagbidahan ni Thirdy Ravena, sa UAAP crown noong 2017, 2018 at 2019.

Si Baldwin ang magbabantay sa gagawing paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup kung saan inaasahang tatapikin niya si 7-foot-2 Kai Sotto.

Minasama ng ilang PBA top officials ang komento ni Baldwin ukol sa single-import format ng liga  habang itinuring naman niyang ‘tactically immature’ ang mga Pinoy coaches.

Dahil dito ay pinatawan ng PBA si Baldwin ng three-game suspension at multang P75,000.

Kinuha si Baldwin ng SBP noong 2015 bilang head coach ng Gilas cadet team na naghari noong 2015 Southeast Asian Games sa parehong taon.

GILAS PILIPINAS TAB BALDWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with