Letran Knights ready para sa NCAA Season 95
MANILA, Philippines — Anumang araw man simulan ang NCAA Season 96 ay magiging handa ang Letran Knights para sa pagdedepensa ng kanilang senior basketball crown.
Ginagamit ni head coach Bonnie Tan ang online app na Zoom para makakonekta sa kanyang mga Knights na ang karamihan ay nasa probinsya.
“We’re zooming weekly including coaches because most of my players are still in the province,” wika ni Tan, gumiya sa Letran sa NCAA championship noong nakaraang taon laban sa San Beda Red Lions.
Ang basketball ang isa sa apat na mandatory sports na pinaplano ng Season 96 host Letran na gawin sakaling luwagan ng gobyerno ang community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ikinukunsidera naman ng NCAA ang pagdaraos ng volleyball, track and field at swimming.
Naplantsa na ni Tan ang summer enrollment nina rookies Joseph Brutas, Kenny Rogers Rocacurva at Jay Pangalanan na inaasahang sasalo sa naiwang trabaho nina Jerrick Balanza, Christian Balagasay at Bonbon Batelier.
Ang 21-anyos na si Brutas ay naglaro para sa Diliman College habang si Rocacurva ay isang wingman mula sa Cebu Institute of Technology-University at ang 6-foot-9 na si Pangalangan ang bahala sa frontcourt ng Letran.
Magbabalik naman si 6’6 Christian Fajarito sa Knights matapos maglaro sa MPBL.
Muling makakasama ni Fajarito sina Fran Yu, Larry Muyang at Jeo Ambohot.
- Latest