Sina Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino at Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch Ramirez.
STAR/File
Ramirez, Tolentino gagawin ang lahat para maibalik ang sahod ng atleta, coaches
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gagawin ng Philippine Sports Commission at Phi­lippine Olympic Committee ang lahat para matulungan ang mga national athletes at coaches na apektado ng coronavirus disease (COVID-19).

Kamakailan ay inihayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagbabawas ng 50 porsiyento sa monthly allowance ng mga national athletes at coaches.

Ito ay dahil sa pagkakabawas ng ibinibigay na monthly remittances ng Philippine Amusement Gaming Corporations sa PSC bunga ng nasabing health crisis.

Kahapon ay sinabi ni Ramirez na hihingi sila ng tulong sa pribadong sektor para sa pagbabayad ng monthly salary ng mga national athletes at coaches.

“If our conversation here will be heard by the rich private corporations like Dennis Uy (Phoenix Petrolium), Ramon Ang (San Miguel), SM and o­thers, they could help our athletes,” ani Ramirez sa unang online Philippine Sportswriters Association Forum.

Tinanggal din ng sports agency ang halos 40 nilang regional consultants kasunod ang pagputol sa kontrata ng mga foreign coaches.

Samantala, sinabi naman ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na 300 bisikleta ang kanilang ibibigay sa mga national athletes para sa kanilang pagpunta sa mga training venues sa sandaling alisin ang community quarantine sa National Capital Region.

“As of today we have already 200 applicants and I might extend it to 300,” wika ni Tolentino, pangulo rin ng cycling association.

Ang paggamit ng bisikleta ang angkop na paraan ng transportasyon papasok sa ‘new normal’, ayon sa POC chief.

BAMBOL TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with