Errol Spence
STAR/File
Spence gigil na makuha ang Pacquiao fight
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipipilit ni World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence na maikasa ang laban kontra kay legendary boxer Manny Pacquiao.

Tunay na mabango ang pangalan ni Pacquiao sa mga bagitong boksingero dahil na rin sa ningning na dala-dala ng Pinoy champion sa lahat ng laban nito.

Blockbuster ika nga.

Bukod pa rito ang karangalang makaharap sa ibabaw ng ring ang isa sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan.

Kaya naman nais ni Spence na bago pa man magretiro si Pacquiao sa mga susunod na taon, makakuha ito ng pagkakataon na makasagupa ang tinaguriang Pambansang Kamao.

“My realistic goals - Manny Pacquiao then Te­rence Crawford that’s my goal. You’ve got guys like Manny Pacquiao that I’ve been, you know, trying to fight. He the cash cow right now. He’s the cash cow. So, that’s a guy I definitely want,” wika ni Spence.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang World Boxing Association (WBA) welterweight crown.

Iginiit ni Top Rank Promotions chief Bob Arum na pinaplantsa na nito ang posibleng paghaharap nina World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford.

Subalit tahimik ang kampo ni Pacquiao sa naturang plano ni Arum.

Walang nagkukumpirma kung totoo ang mga sinasabi ni Arum.

May usapan na malabo itong matuloy dahil hindi maganda ang paghihiwalay nina Pacquiao at Arum noon.

Kaya naman mas lu­­makas ang tsansa ni Spence na makahirit ng inaasam nitong dream fight kay Pacquiao.

Isa lamang si S­pence sa mga kandidatong makasagupa ni Pacquiao sa kanyang susunod na laban.

Maliban kina Spence at Crawford, lutang na lutang din ang pangalan nina Mikey Garcia, Danny Garcia, Amir Khan, Keith Thurman at undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Pasok din ang pangalan ni mixed martial artist Conor McGregor.

Kaya para kay Spence, malaking karangalan kung siya ang mapipiling sunod na kalaban ni Pacquiao.

Nais ni Spence na magarbo ang kanyang pagbabalik sa ring matapos ang aksidenteng kanyang kinasangkutan.

At walang ibang magandang pagbabalik kundi ang makaharap ang isang world-class talented boxer sa ngalan ni Pacquiao.

“Don’t take things for granted, at the time I was taking a lot of things for granted. Slacking off on my training and basically not as focused as I use to be,” ani Spence.

ERROL SPENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with