Willie Marcial
STAR/File
Health protocols tatalakayin sa PBA Board ngayon
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa paglalagay sa National Capital Region sa general community quarantine (GCQ) ay inaasahan na ring unti-unting papayagan ang pag-eensayo ng mga PBA teams.

Kaya naman magbabalangkas ang PBA Board of Governors ng mga guidelines sakaling alisin na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang community quarantine sa NCR.

“All these we’ll do with the approval from the government. Hindi kami gagalaw without their approval,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Sa ilalim ng GCQ ay pinayagan na ang mga atleta na gumawa ng ilang physical activities.

Ang pulong ngayon ng PBA Board ay gagawin via online para sa pagpapatupad ng social distancing na inoobserbahan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak.

GCQ PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with