Ginebra, San Miguel Beer at Magnolia cagers negatibo sa COVID-19
(Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malinis sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga players ng Barangay Ginebra, San Miguel at Magnolia.

Ito ay matapos sumailalim sa COVID-19 testing ang nasabing mga koponan ng San Miguel Corporation bilang bahagi ng kanilang layunin na idaan sa nasabing proseso ang kanilang 70,000 kawani kasama ang mga third party providers bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng mga pasilidad nila.

“We are happy to report that all of our basketball players tested negative from the virus,” wika kahapon ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang na nagdesisyong maglagay ng PCR-testing facility at laboratory sa kanilang company premises para mabawasan ang trabaho sa mga government health facilities na nagsasagawa ng COVID-19 tests.

Idinagdag ni Ang na dapat ikunsidera ang pagpuksa sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa bago muling buksan ang mga contact sports.

BARANGAY GINEBRA COVID-19 MAGNOLIA SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with