Kai Sotto
Sotto inihalintulad sa NBA star
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilib ang mga American coaches sa estilo at abilidad ni NBA G League-bound Kai Sotto.

Sa katunayan, isang beteranong coach pa ang naghalintulad sa 7-foot-2 Pinoy cager kay NBA star Chris Bosh.

Sumasailalim sa matinding training camp si Sotto sa The Skills Factory (TSF) sa loob na ng mahigit isang taon.

Ayon kay TSF coach Rob Johnson, kakaiba ang playing skills ni Sotto.

Hanga ito sa kakayahan ni Sotto gaya ng matikas na shooting at mabilis na galaw para sa isang matangkad na manlalaro.

Isang kakaibang talentong bibihira nitong nakikita sa mga manlalarong nagsasanay sa TSF.

“His athleticism is reminiscent of a young Chris Bosh. He is big, athletic, with touch and guard skills, but can play both power forward and center position,” ani Johnson.

Naglaro si Bosh para sa Toronto Raptors mula 2003 hanggang 2010 habang lumipat ito sa Miami Heat mula 2010 hanggang 2017.

Dalawang beses itong nagkampeon sa NBA noong 2012 at 2013 at 11 beses naging bahagi ng NBA All-Star.

Malaki ang respeto ng Miami Heat kay Bosh kung saan iniretiro pa ang No. 1 jersey nito.

Sa pagpasok ni Sotto sa NBA G League, matin­ding pagsubok ang pagdaraanan nito.

Kaya naman pinayuhan ni Johnson ang Pinoy cager na mas lalo pang magpursige sa ensayo upang tumaas ang lebel ng paglalaro nito.

Marami pang dapat matutunan si Sotto para mahubog ng husto ang kanyang kakayahan.

“Continue to work on his ball handlings and ball security. Have been with Kai since October 2019. He has improved every part of his game especially his physicality and condi­tioning,” ani Johnson.

Sinabi pa ni Johnson na magaan kasama si Sotto sa training camp.

Mabilis itong matuto dahil sa kagustuhan nitong umangat ang kanyang laro.

Bukod pa rito ang uga­ling Pinoy na may mataas na respeto sa kanyang coaches na mas lalong nagpahanga sa mga American trainers.

“Kai is very coachable. Very respectful as a person and wants to be coached and held accountable,” ani Johnson.

Dahil sa mga puntong ito, naniniwala si Johnson na malayo ang mararating ni Sotto lalo pa’t paangat ng paangat ang kanyang basketball skills.

Kailangan lang nitong ipagpatuloy ang nasimulan at manatiling mapagkumbaba para maabot ang inaasam na NBA dream.

“Yes, as long as he continues to dedicate himself to getting better. He is still young and has a ways before he reaches his full potential,” ani Johnson.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with