^

PSN Palaro

Japeth nami-miss ang daily routine sa Ginebra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Japeth nami-miss ang daily routine sa Ginebra
Japeth Aguilar
AFP

MANILA, Philippines — Kung dati ay araw-araw na nagkikita ang mga pla­yers ng Barangay Ginebra para mag-ensayo, ngayon ay hindi na ito nangyayari dahil sa coronavirus di­sease (COVID-19).

Ito ngayon ang hina­hanap-hanap ni flying forward Japeth Aguilar.

“Nami-miss ko ‘yung mga teammates ko, sila coach Tim (Cone),” wika ng 6-foot-8 na Gin King. “Basta ‘yung mga daily routine, ‘yung gigising ka sa umaga, magpa-practice, and after practice, mag-workout.”

Sinuspindi ng PBA Board ang 45th Season noong Marso 11 matapos ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region dahil sa COVID-19 outbreak.

Tanging ang laban ng San Miguel at Magnolia ang nailaro sa 2020 PBA Philippine Cup na pinagwagian ng mga Beermen.

Ayon sa 33-anyos na si Aguilar, natuto ang mga tao na pahalagahan ang mga maliliit na bagay dahil sa COVID-19 pandemic.

“Iyong normal na routine na usually hindi natin pinapansin, pero ngayong community quarantine ‘yun ang mga nami-miss natin,” ani Aguilar.

Magdedesisyon ang PBA Board sa Agosto kaugnay sa naantalang Season 45.

vuukle comment

JAPETH AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with