Nakatakdang sagupain ni world ranked bantamweight prospect Mike Plania si World Boxing Organization (WBO) No. 1 bantamweight Joshua Greer Jr. sa Hunyo 16 sa isang closed-door venue na MGM Grand Garden Arena.
SANMAN Promotions photo
Plania unang Pinoy boxer na sasalang sa Las Vegas
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa si Pinoy boxer Mike Plania sa unang ma­kikinabang sa pagba­balik-aksyon ng boksing sa Las Vegas, Nevada.

Nakatakdang sagupain ni world ranked bantamweight prospect Plania si World Boxing Organization (WBO) No. 1 bantamweight Joshua Greer Jr. sa Hunyo 16 sa isang closed-door venue na MGM Grand Garden Arena.

Hawak ni Plania ang matikas na 23-1 rekord tampok ang 12 knockouts habang may 22-1-1 naman si Greer kasama ang 12 knockout wins.

Napagkasunduan ang 120 pounds na catch-weight.

“I am so lucky to be the first fighter from the Philippines to be called to duty. As a warrior it is my pleasure to come out and see action especially with an elite fighter like Joshua Greer,” ani Plania sa pana­yam ng Philboxing.

Alam ni Plania na underdog siya laban kay Greer.

Ngunit kilala ang mga Pilipinong boksingero bilang palaban at hindi umaatras sa anumang bakbakan.

Kaya naman asahan ang mabagsik na Plania sa oras na magkrus ang kanilang landas ni Greer.

“I am aware of my underdog status in this fight but it will serve as my inspiration to come out and win this big,” ani Plania.

Isa si Greer sa pinagpipilian ng Top Rank Promotions na makalaban sana ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero sakaling hindi matuloy ang laban nito kay World Boxing Association (WBA) at International Bo­xing Federation (IBF) titlist Naoya Inoue.

Subalit dahil sa pagbabalik ng boxing fights sa Las Vegas, inaasahang matutuloy na ang salpukan nina Casimero at Inoue.

Hinihintay na lamang ng Top Rank ang pagdating ni Inoue sa Amerika upang maikasa na ang petsa ng kanilang unification bout.

Maliban kay Casimero, nakaabang na rin si International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwin Ancajas.

Hinihintay na lamang ni Ancajas ang go signal kung kailan ito tutulak patu­ngong Amerika para doon na ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay.

Makakalaban ni Ancajas si Mexican Jonathan Rodriguez.  

MIKE PLANIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with