Ramirez, Tolentino sa PSA Forum ngayon
MANILA, Philippines — Sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang main guests sa kauna-unahang Philippine Sports Association (PSA) Forum video conferencing ngayong umaga.
Isisiwalat ni Ramirez ang malaking epekto ng global pandemic sa Philippine sports habang tatalakayin ni Tolentino ang mga hakbang na gagawin ng POC ukol sa pagpapaliban ng 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Unang sasalang si Ramirez sa alas-10 ng umaga kasunod si Tolentino sa alas-11.
Ito ang unang sesyon ng PSA Forum gamit ang isang platform dahil sa COVID-19 pandemic.
Huling idinaos ang regular sports program noong Enero 27 isang buwan bago ang PSA Annual Awards Night. Isasaere ang sesyon sa PSA Facebook page na fb.com/PhilippineSportswritersAssociation.
- Latest