Terence Crawford
STAR/ File
Crawford babagsak kay Pacquiao-boxing analyst
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kayang-kaya ni reig­ning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao na pabagsakin si World Boxing Organization (WBO) welterweight king Terence Crawford sa oras na maikasa ang kanilang unification bout.

Ito ang paniniwala ng ilang boxing analysts matapos masilayan ang pagbabalik ng bangis ng eight-division world champion sa kanyang huling dalawang laban noong nakaraang taon.

Isang mapanganib na Pacquiao ang nakita nang talunin nito sina Adrien Broner noong Enero at Keith Thurman noong Hul­yo -- bagay na kailangang paghandaan ni Crawford.

Naniniwala si boxing a­nalyst Brian Douglas ng Now Boxing na hindi kaka­yanin ni Crawford ang bagsik ng kamao ni Pacquiao partikular na ang pamatay na kaliwang suntok nito.

“Pacquiao will beat Crawford. l know Crawford will run, because he won’t be able to handle that legendary left hand of the Pac-Man,” ani Douglas.

Matagal nang sinusu­baybayan ni Douglas ang laban nina Pacquiao at Crawford.  At alam nito ang estilo ng bawat isa.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na malalim na ang karanasan ni Pacquiao na magsisilbing armas nito sa laban.

Armado ito ng umaapoy na suntok na posibleng tumama at magpabagsak kay Crawford.

“It’s my belief that Manny will have that “It” factor that ability to rumble, and that’s where he will catch Crawford coming down the middle the pace of the fight will be fast,” kuwento ni Douglas.

Nakikita ng boxing analyst na isang knockout win ang makukuha ni Pacquiao laban kay Crawford.

“And I’ve seen how Crawford acts once fear sets in he will try and go all out, and again he will get knocked out. Manny is too good of a fighter you would have to be almost perfect on that day to defeat him,” ani Douglas.

Kaya naman binalaan nito si Crawford na gawin ang lahat ng pagha­handa upang tapatan ang mala-bagyong ilalatag ni Pacquiao sakaling matuloy ang ikinakasang laban ng dalawa.

Malaking karangalan para kay Crawford kung matatalo nito si Pacquiao.

Babango ang kanyang pangalan at tataas ang kanyang value bilang boksingero.

Subalit daraan ito sa matinding pagsubok dahil hindi basta basta ang kanyang makakalaban - isang legendary boxer na may maningning na rekord at kumikislap na korona sa kanyang listahan.

TERENCE ‘BUD’ CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with