Ito ang inihayag ni T­okyo Olympics organi­zing committee CEO Toshiro Muto dalawang buwan matapos ipagpaliban ang quadrennial meet.
AFP
Organizers hindi makahataw sa rescheduling ng Tokyo Olympics
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado ang Tokyo Olympics organizing committee na hindi pa ito makaarangkada sa pagsasaayos ng panibagong schedule para sa Olympic Games na inilipat sa susunod na taon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ang inihayag ni T­okyo  Olympics organi­zing committee CEO Toshiro Muto dalawang buwan matapos ipagpaliban ang quadrennial meet.

“If you ask, are we just around the first corner of the 400-meter race, I cannot answer that question,” ani Muto.

Ngunit siniguro naman ni Muto na nasa tamang direksyon at “on time” ang kanilang ginagawa.

“But I can tell you this much. I do not feel we are late in our preparations. I do not feel we are being delayed in any way,” dagdag ni Muto.

Back to zero ang Tokyo Olympics organizing committee.

Marami itong kaila­ngang plantsahin dahil sa kanselasyon.

Isa na rito ang hotel accommodation, pagbabago ng competition schedules gayundin ng pondong kakailanganin para sa pagsasaayos ng lahat.

Malaking balakid ang COVID-19 kaya’t hindi makakilos ng husto ang mga oganizers dahil sa limitadong paggalaw.

Tinatayang aabot sa $2 bilyon hanggang $6 bilyong pondo ang kaila­ngan para sa rescheduling ng Tokyo Olympics.

Tinututukan nina International Olympic Committee President Thomas Bach at IOC member John Coates ang progreso ng pagsasaayos ng Tokyo Olympics.

Naiintindihan ng IOC na hindi madali ang ginagawa ng Japan dahil 11,000 Olympic athletes, 5,000 technical officials at coaches, 20,000 media, at 60,000 volunteers ang tinututukan ng organizers.

Ayon kay Muto, inaasahang magkakaroon ng linaw ang ginagawang preparasyon ng Japan sa Oktubre.

TOSHIRO MUTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with