_ngayon
^

PSN Palaro

Local coaches tinulungan ni Buhain at ng COPA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lahat ay apektado ng coronavirus disease (COVID-19), pati na ang mga swimming coaches sa bansa.

Sa pamamagitan ng Congress of Philippine Aquatics (COPA) Inc. ay nagbigay ng ayuda si dating Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain sa mga swimming coaches.

“Sa ganitong sitwasyon, talagang pamilya ang unang magtutulungan. Nagpapasalamat ako sa mga kapwa ko swimming coach at madali naming naorganisa ang pagbibigay ng ayuda,” ani Buhain.

Binigyan ng COPA ng ayuda ang 109 sa unang 113 team members para sa first batch ng mga CAP (COPA Amelioration Program) recipients.

Ayon kay Buhain, isang two-time Olympian at SEA Games swimming record holder sa nilangoy na pitong gold medals noong 1991 edition, patuloy ang COPA sa pagkalap ng pondo upang madagdagan pa ang maitutulong sa mga swimming coaches.

“It is humbling for us to witness that we all came together at this of  the pandemic when we are all having the most difficult time in our lives,” wika ni Buhain, nagsilbi ring chairman ng Games and Amusement Board (GAB).

COPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with