^

PSN Palaro

Marcial kumpiyansa sa pagbabalik ng PBA season

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Marcial kumpiyansa sa pagbabalik ng PBA season
PBA Commissioner Willie Marcial

Matapos ilagay ang NCR sa GCQ simula sa Lunes

MANILA, Philippines — Sa paglalagay ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa National Capital Region sa general community qua­rantine (GCQ) ay posible na ang mga running, bi­king, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian at ska­teboarding.

Naniniwala rin si PBA Commissioner Willie Marcial na papayagan din ang pag-eensayo ng maliliit na grupo sa ilalim ng GCQ na ipapatupad sa NCR simula sa Lunes.

“This makes us optimistic that our teams can be allowed to return to the gym for individual workouts by shift,” wika kahapon ni Marcial.

Inaasahang makikipagtulungan ang PBA Board of Governors sa IATF para maglatag ng safety protocols ukol sa mga aktibidad na maaaring gawin ng mga ball clubs.

Noong Marso 11 ay sinuspindi ng PBA Board ang 45th Season dahil sa paglalagay ng IATF sa Metro Manila sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ang panalo ng five-time champions na San Miguel at Magnolia lamang ang nag-iisang laro na nagbukas sa 2020 PBA Philippine Cup.

Sa Miyerkules ay mu­ling magpupulong ang PBA Board kaugnay sa mga guidelines at protocols na susundin ng mga koponan para sa pag-eensayo ng kanilang mga players.

Samantala, sasailalim naman si Marcial at ang mga PBA personnel sa COVID-19 test ngayong araw bilang paghahanda sa pagbabalik ng kanilang operasyon.

“Of course, we’re ho­ping everybody’s negative and that we can all go back to attend our duties - full force by June,” ani Marcial.

Ang PBA office sa Libis, Quezon City ay dadaan sa isang six-hour disinfection procedure bukas habang ang kalahati sa kanilang mga tauhan ay papasok sa Lunes.

vuukle comment

GCQ

INTER-AGENCY TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with